【タガログ語】Napakainit araw-araw. Mangyaring mag-ingat sa heat stroke!

 

もっと知りたい日本語2023年7月号「熱中症」

 

Isang sakit ang heatstroke na nagdudulot ng panghihina ng katawan kapag maaraw at mainit ang panahon.
Napakainit araw-araw kaya maraming tao ang naoospital dahil sa heatstroke.

Ingatan ang sarili at ang pamilya upang maiwasang magka-heatstroke.  

 

Mahalagang impormasyon upang makaiwas sa heatstroke

 

Tungkol sa “Heatstroke” (Sa TIPS o Tokyo Intercultural Portal Site)

 

Pinapaliwanag sa site ang tungkol sa heatstroke at ang mga dapat gawin upang makaiwas dito.
Mababasa ito sa pinasimpleng wikang Haponat saEnglish.

 

 

 

“Paraan sa Pag-Iwas sa Heatstroke” (Ministry of Health, Labor and Welfare)

 

①②厚労省 熱中症多言語リーフレット

Ipinakikilala sa site ang mga kailangang pag-ingatan upang maiwasan ang heatstroke at kung ano ang gagawin kung nakaranas ng heatstroke. Mababasa mo ito sa Japanese at sa 14 na wika.

Wikang HaponInglesIntsik (pinasimple)Intsik (tradisyonal)KoryanoItalyanoIndonesEspanyolThaiTagalogAlemanNepaliPransesBiyetnamesPortuges

 

 

 

Portal site ng gobyerno ng Tokyo para sa pag-iwas sa heatstroke (Tokyo)

 

沸とう京Ipinakikilala sa site ang iba't ibang impormasyon tungkol sa heatstroke sa Tokyo.

Maaaring makita dito kung saang mga lugar naglabas ng “Netchusho Keikai Alert*” (o Heatstroke Warning Alert) at kung saan ang mga mas malamig na lugar sa Tokyo.

 

*Netchusho Keikai Alert o heatstroke warning alert...Isang babala na pinaalalahanan ang publiko na “mag-ingat sa heatstroke.” Ipapaalam ito lalo na kapag umaraw at uminit ang panahon.