ピックアップ

“Heatstroke” 熱中症 _タガログ語

Isang sakit ang heatstroke na nagdudulot ng panghihina ng katawan kapag maaraw at mainit ang panahon. Kung nasa isang mainit at mahalumigmig na lugar, mas malamang na makaranas nito. Sanhi ng heatstroke ang kawalan ng kakayahan na maayos na i-kontrol ang temperatura ng katawan.
Maaaring magka-heatstroke kapag nasa labas at kahit nasa loob ng bahay.
Maaaring humantong sa kamatayan ang heatstroke, kaya mangyaring mag-ingat laban dito.

Ano ang nangyayari kapag nagka-heatstroke?

Halimbawa...

  • Hindi makatayo nang maayos.
  • Hindi makalakad nang maayos.
  • Masama ang pakiramdam at may pakiramdam na maduduwal.
  • Labis na pagpapawis.
  • Pananakit ang katawan.
  • Pananakit ng kamay at paa, at hindi magalaw ang mga ito.
  • Pag-iinit ng katawan.
  • Pananakit ng ulo atbp.

 

Pag-iingat upang makaiwas sa heatstroke

 

  • Ugaliing uminom ng tubig nang maraming beses sa isang araw.
  • Dahil pagpapawisan nang madalas, uminom at kumain ng mga bagay na maalat (may asin).
  • Magsuot ng damit na komportable at presko ang pakiramdam.
  • Magsuot ng damit na mabilis matuyo pagkatapos mapawisan.

 

Pag-iingat habang nasa labas

  • Gumamit ng sombrero at payong kapag lalabas.
  • Lumakad sa mga lugar na malilim (hindi natatapatan ng sinag ng araw).
  • Paminsan-minsan sumilong at magpahinga sa lilim.
  • Hangga’t sa maaari lumabas sa mga oras kung kailan hindi masyadong mainit.

Pag-iingat kapag nasa loob ng bahay

  • Palamigin ang kuwarto sa pamamagitan ng air con o bentilador.
  • Gumamit ng kurtina o blinds upang pigilan ang pagpasok ng sinag ng araw sa kuwarto.